Limang Taon Na.

May 21, 2006

Limang Taon Na.

Sa Turistang, sa Softdrinks na-uhaw
Napaluhod , mapang-matang taga Macau
Mga kababayan, nagpalakpakan
Sa prinsipyong iyong ipinaglaban

Sa nangingikil na taga Munisipyo
Sa nanlolokong taga Gobyerno
Wag Mapadpad dito sa Balut Tondo
At tiyak Hahabulin ng Tubo

Sa maigi pang, makipag suntukan sa kalye
kaysa kay Doktor magsabi
“Wag na anak ko bigyang bakuna, kung puede ”
Nangingilid na, luha ng Daddy.

Sa wala ding tulog, dahil dyunyor may ubo
Sa pag sabi ” Lord ako nalang po”
Sa tinding inis, sa sipong perwisyo
Sinipsip, ilong ni baby na barado.

Sa bahay kubo na gawa mo
gamit ang sticks ng ice buko
Laking tuwa ng anak mo
Sa simple at masayang laro nyo

Sa anak mong magulo
Laruang pinukpok sa iyong ulo,
Kahit kailan, Walang Panalo
Sa batang malikot , maloko

Saan kalye sumusuot,
Saan lugar di natatatakot
Pero anak, nuong unang araw niya ng pasok
Laking Kaba sa Ama ang idinulot

Sa minsa’y din na gastos
Sa Binibiling laruan at sapatos
Kobe , LeBron at Jordan
Thomas, Spiderman at Batman

Sa astig magnegosyo
Sapatos ni Pacquiao, na inarya mo
Naglabas ng ocho
Kumita ng libo

Sa mabagal magbayad na suking si Celso
Pag iyong Sinisingil, hindi makapagtago..
Laging sambit ” boss, bukas na po”
Kaya dugo moy kumukulo.

Sa isang oras higit , na itinagal mo,
Sa sinehan na walang reklamo,
Pelikula ni Sarah Geronimo
Na ipinilit ng misis mo.

Sa gadgets, damit na bigay mo,
Magarang Bag , Alahas at relo
Wala pa ring tatalo
sa iyong binili,
Na de kuryenteng pambunot
ng buhok sa kili-kili…

Sa galit mo, isang gabi
Akala, ikay ipinagpalit, sa larung
Plants versus Zombie

Sa matinding away at walang ka tuturan
tulad ng kanino mapunta , malambot na unan

Sa nagtatakang tanong mo lagi
“Galit ka ba sa akin, Sweetie?”
Sa taliwas niyang sagot na ” HINDI! ”
sabay walkout ang sisteh

Sa pagkain mo sa luto niyang adobo
Na di mawari kung anong klase ba ito?

Sa dahilan na hindi na makapagsuot
pag misis matanda na at kulubot .
Sa pagdating ng panahoy siyay ugurin,
Maiksing shorts niya pinayagan mo na rin.

Sa iyong asawa,
Na ugaling kakaiba
sampu ng kaibigang ipinakilala
Tanong mo dati,
marami bang baliw na tiga U.P ?

At siempre pa,

Sa pagmamahal mong matindi
Sa Ganda niya Ngayon o Dati
Maging Uso man ito o Hindi…

(To my first, last , one & only ex-boyfriend who is now my husband….)

Matirang Matibay ,

Limang Taon Na!

– Posted using BlogPress from my iPad2

9ZQVSAT69AHU

Tags:

Related Posts

by
Pier Angeli B. Ang Sen is The Soapbox Filipina. She was named after a Hollywood Italian actress from the fifties. She is a home maker. She's a book lover, cook, movie fan, storyteller, tutor and proud Filipino. She dabbles into art. She's an online seller. She's a mom taking a coffee break from mommy duties. In between sips, she writes valuable life experiences acquired from her being a mom and wife.
Previous Post Next Post

Dear Friends, I would love to hear from you. Please share your comments, suggestions and opinions to make this soapbox, a better place.

0 shares