Sa ” Pinagtatawanan ” at
Sa ” Nakakatawa “.
Sa ” Hindi ipinagkaloob ” at
Sa ” Bukas ang loob .”
Sa ” Buo ang loob ” at
Sa” Lakas ng loob “.
Sa ” Tunay na kaibigan ” at
Sa ” Kailangan maging kaibigan.”
Sa ” Tunay na ikaw ” at
Sa ” Mag-panggap na iba .”
Sa “Tanga “ at
Sa ” Nagtatanga-tangahan “.
Sa ” Mang-gagamit ” at
Sa Nag-papagamit.
Sa ” Niloko “ at
Sa ” Nagpapaloko “.
Sa ” Walang maibigay na dahilan ” at
Sa ” Nag dadahilan “.
Sa ” May katuwiran at
Sa ” Nangangatuwiran “.
Sa ” Akala ko, alam mo ” at
Sa ” Kailangan malaman mo “.
Sa ” Walang alam ” at
Sa ” Walang paki alam “.
Sa ” Hindi makapaniwala ” at
Sa ” Ayaw maniwala “.
Sa ” Nasaktang damdamin ” at
Sa ” Masakit tanggapin “.
Sa ” Ayaw tumanggap ng kamalian ” at
Sa ” Tanggap nalang ng tanggap ng pagkakamali “.
Sa ” Ayaw mag sorry ” at
Sa ” Sa sorry ng sorry. ”
Sa ” Mali na ginagawa mong tama ” at
Sa ” Tama, na pilit mong mina-mali “.
Sa ” May patutunguhan pero hindi gumagalaw “ , at
Sa” Gumagalaw pero wala namang patutunguhan “.
Sa ” Katotohanang pilit ipinamumukha “at
Sa ” Mukha namang walang katotohanan “.
Sa ” Ipinagtatanggol ang kamalian ”
Sa ” Malaking pagkakasalang pinagbigyan ” at
Sa ” Maliit na kasalanan, pinarusahan ” .
Sa ” Iginugol na panahon,
duon sa walang kwentang bagay ” at
Sa ” Kapabayaan naman sa mga importanteng aspeto ng buhay ” .
Sa ” Walang alam ” at
Sa ” Walang paki-alam at
Sa” Nakiki-alam ” .
Sa ” Walang magawa ” at
Sa ” Walang ginagawa “.
Sa ” Hindi kayang gawin “. at
Sa ” Dapat nuon pa ginawa “.
Sa ” Huli na ang lahat ” at
Sa ” Magsimula tayong muli “.
Hindi lahat ng tama ay tutuo.
Tama na, itigil na at huwag
gawing tama ang mali.
Sapagkat hindi lahat ng tutuo ay tama.
Dahan-dahan sa pananalita at paniniwala
Wag madala sa mga haka-haka,
Kilatising maiigi
Hindi lang sige ng sige.
Sapagkat iisa man ang pinag-uugatang salita,
IBA-IBA pa rin ang diwa.