Alam Mong Matagal Ka ng Hindi Naka Uwi Ng Pilipinas Kung…

Alam mong medyo matagal ka nang hindi naka uwi ng Pilipinas kung…

 

1. Mas madalas mong gamitin ang VERB form ng salitang FLY kaysa makakita ka ng NOUN nito.

2. Yung sa araw-araw mong mga tinatawag, na Uncle at Auntie, ay hindi mo naman talaga mga kamag-anak.

3. Hindi mo ma picture out ang “gapusang gaga”

4. Hindi ka na sanay sa amoy ng tuyo.

5. Matagal ka ng hindi naka gamit ng tabo.

Pilipinas
Pilipinas

6. Hindi mo lubos ma isip na hilain ang sinulid, na nakatali sa milk teeth ng anak mo, upang ito’y mabunot.

(sinulid na minsan pa’y itinatali din sa pintuan)

7.Ginu- “Google” mo na kung ano ang itsura ng batya, palu-palo at palayok.

8. Makapal na ang muscle mo sa leeg, dahil mas madalas kang nakatingala duon sa mga kausap mo, kaysa ikaw yung naka tungo.

9. Hindi mo kayang isaw-saw yang banana bread mo, sa dala-dala mong kape na ang size ay grande o venti.

10. Nag ala Street Boys na yung building nyo dahil sa lindol hala sige, trabaho ka pa rin..

11. Ang alam mong jumper ay damit, ang alam mong octopus ay yung na sa aquarium at hindi mo mawari kung ano ang kinalaman ng mga ‘to sa kuryente.

12. Hindi mo alam kung ano ang buraot.

13.Hindi mo na kayang mag lakad sa loob ng bahay na nakayapak.

14. Hindi mo kayang i-display sa la mesa ang lechon, na kasama pa yung ulo.

15. Matagal ka ng hindi nakakita, ng taong binabasa ang daliri ng laway, bago siya mag bibilang ng pera.

16. Matagal ka ng hindi nakakitang nag sisiga ng tuyo na mga dahon at basura..
( yun nga lang kung forest fire)

17. Medyo madalang ka na makakita ng mga lalakeng nag lalakad sa kalye na walang mga pantaas …or as we say in my Bisaya dialect— naghukas hukas(maliban na lang kung may gender sensitive related cause demonstration sa labas ng bahay mo).

18.Tawag mo sa lahat ng insecto ay bugs.
( eh sa iba naman talaga ang bubuyog, gagamba, ipis, lamok at kulisap diba?)

19. Hindi mo maalala kung kailan mo huling binigkas ang mga salitang
pwera usog at tabi-tabi po.

20. Matagal ka ng hindi nakarinig ng kwento tungkol sa kapitbahay mo na aswang, kamag anak na tinatawas at kakilala na kinukulam.

21. Hindi mo alam kung paano gagamitin yung pinadalang banig.

22. Hindi mo na alam na ang dirty ice cream ay ube, cheese at chocolate flavors.

23. Ang alam mo lang na ibig sabihin ng kabayo ay horse. (o diba, partner ng plantcha? tsk, tsk, you forgot!)

24. Mas Amerikano ka pa magsalita kaysa sa Amerikano.

25.Higit sa lahat, ang kilala mong Presidente ng Pilipinas ay si Magsaysay pa… kumuha ka na ng ticket…magbakasyon ka muna dito…

Ang saya saya kaya ng mga politiko nating nag-tuturuan ko sino ang salarin, busy-busyhan sa laglagan activities nila…

At tsaka, miss ka na namin huuuuy, uwi na!

( For my dearest friend/s abroad who I have not seen for a long time, misshuu guys!…)

Tags: , , , , , , , ,

Related Posts

by
Pier Angeli B. Ang Sen is The Soapbox Filipina. She was named after a Hollywood Italian actress from the fifties. She is a home maker. She's a book lover, cook, movie fan, storyteller, tutor and proud Filipino. She dabbles into art. She's an online seller. She's a mom taking a coffee break from mommy duties. In between sips, she writes valuable life experiences acquired from her being a mom and wife.
Previous Post Next Post

Comments

  1. nice entry ate angie.. i didn’t know that you’re into blogging.
    maybe you can drop by on my site, it’s a food blog:
    http://mmdc7.blogspot.com

    regards kay kuya richard and baby rafa.

    God bless and happy blogging!

    mel 🙂

  2. Hey Melis! Thanks.

    Initially, neither did I. hahahah 🙂

    I just live to write and since writing in this century has taken the form of blogging, I indulged myself.

    I have to thank batchmates from College though for prodding me..:-)

    About to check your blog…thanks !

  3. Anj, <50% pa naman yung tinamaan ako. pero sapol na sapol ako dun sa lindol hehehe hugs!

  4. Hahaha, kaya nga sabi ko uwi ka muna diba? Kc yun din sinabi ko kay Joe…hahaha! Naisip ko baka medyo matagal na nga siguro kayo dyan at kailangang magbakasyon ng matagal dito sa Phil kc Immune na kayo sa lindol! Take Care Melbs!

Comments are closed.
0 shares